Noon,kapag naaalala kita napapangiti ako.
Gustong gusto kong maalala yung mga ngiti mo.
Yung mga panahong yakap mo ako sa mga bisig mo, hahalikan sa noo at sasabihin kung gaano mo ako kamahal.
Kung gaano mo ako kagustong manatili sa buhay mo.
Ang sarap sariwain ng mga panahong sabay pa tayong nangangarap.
Nangangarap sa bukas na darating.
Nangangarap ng kasal at kung ilang supling ang gusto nating maging bahagi ng pamilya.
Kung alin pang lugar ang gusto nating bisitahin ng magkasama.
Naalala ko, unang anibersaryo ng ating pag iibigan noon nung bisitahin natin ang simbahan kung saan natin gustong mag isang dibdib.
Planado na ang lahat. Planado na ang lahat. Oo,planado na ang lahat pero…
PLANO LANG PALA ANG LAHAT.
Plano, na di na matutupad.