SIGURO...

Maraming mga bagay ang gumugulo sa isip ko,
Ang hirap nga nga, di ko na alam sagutin at kung papaano.

Mga bagay na gusto ko man sagutin,
Yung mga sagot di ko alam kung saan ko hahalungkatin. 

Kaya nitong mga nakaraang araw, para bang nabuhay na lang ako sa mga katanungan,
Katanungan na di ko din alam kung paano ko napulot at kung saan.

Di lang pala mga tanong ang nabuo sa isipan ko,
Meron din palang isang salita, ito ay ang SIGURO.

SIGURO nga mali ako, mali ako na gawin kang mundo ko.

Kasi yung buhay ko, pinaikot ko lang sa’yo. 
Kaya nga nung nagdesisyon kang umalis sa piling ko,

Heto ako gulong gulo at parang wala na sa wisyo. 

SIGURO nga mali ako na  mahalin ka ng sobra pa sa sarili ko

Kaya nung pinili mong ‘wag ng manatili, wasak na wasak ako.

Kasi yung kasiyahan ko, di na ako ang gusto.


SIGURO nga mali ako, na sinanay ang sarili ko na laging kang nandito sa piling ko. 

Buong akala ko kasi, di ka na aalis pa sa sa akin tulad ng pinangako mo. 

Na lagi kang nandyan sa lungkot man o saya, 
Pero hindi pala, mali pala, kasi yung taong takbuhan ko sana
Ay sya ng dahilan ng aking pagdurusa.

SIGURO nga mali ako,na isiping maayos pa natin ‘to

Kasi alam kong masaya ka na, masaya ka ng wala na ako sa buhay mo.

Gustuhin ko mang ulitin ang ating nakaraan, kaya lang paano ko gagawin?

Kung ang tanging gusto mo, ako ay lisanin?

Gustuhin ko man sayo ay kumapit pa,
Kaya lang paano, kung ang pagkakahawak ng mga kamay ko’y ianalis mo na?

Marahil ang mga tanong ko’y mananatiling mga tanong na lang,

Pero sana balang araw mabigyan din ng mga kasagutan.

Sana mabigyan rin ng mga sagot na totoo,
Para di na mabuhay pa sa mga SIGURO…