Isa na nga yata sa pinaka mahirap gawin ay ang MAKALIMOT. Yung kalimutan yung dati mo ng nakasanayan. Yung bigla mong puputulin yung mga bagay na nakasanayan mo ng gawin. Pwedeng bumalik ka sa dati mong gawi. Pwede rin namang gumawa ka ng bago. Oo,marami naman talagang pwedeng gawin pero,PAANO?

PAANO ka magsisimula ulit?

at

SAAN mo sisimulan ‘to?

Siguro kung ganun lang kadali ang lahat. Kung ganun lang kadaling gawin marahil wala ng mga taong nalulungkot matapos masaktan.

Marahil, wala na ring nagpapakalunod sa alak para lang makalimutan yung mga bagay na nagpapasakit sa kalooban mo. Mga bagay na dumudurog sa puso mo.

Kung sana ganun lang kadaling kalimutan ang salitang TAYO.

Na,noon may salitang IKAW at AKO.

Pero ngayon, di ko na kilala ang sarili ko matapos mong sabihin na 'Tama na. Ayoko na. Tapos na tayo.’