Wala na si Smokie. 💔 Alam ko,iisipin ng iba na mababaw ako. Pero ang sakit. Sobrang sakit mawalan ng alaga. Hindi lang pet ang turing ko sa mga alaga ko kundi kapamilya. Pakiramdam ko parte sila ng pamilyang meron ako. Alam ko,di sila tulad natin pero may mga buhay din ang mga yan. At ngayon nga,wala na sya. Namatay sya bago ako dumating. Di ko na sya naabutan pa. Kagabi na pala huling pagkikita namin. Naglambing pa sya sa akin kahit na nanghihina na sya. Sana nag spent pa ako ng maraming time sa kanya. Sana nilaro ko pa sya. Sana niyakap ko pa sya ng mas mahigpit. Ngayon,di na kami magkikita pa. Wala ng mangungulit sa akin pagdating ko. Wala ng makiki share pa ng pagkain ko. Wala ng magtatanggap ng sintas ng sapatos ko. Wala ng iiyak tuwing umaga kasi hihingi ng gatas. Wala ng maglalambing sa iba pang aso tuwing may sakit. Wala ng tatahol ng tatahol sa TV kasi may mga tao. Wala ng lalapit at tatabi kay Daddy pag nakaupo sya sa labas. Wala ng iiyak sa may gate dahil nakalabas ibang aso. Wala na. Wala na sya. Di ko na sya makikita pa. Ang sakit sakit. Ang sakit mawalan. Sana sa next life may magpainom din sayo ng milk tuwing umaga. Sana dun pwede ka ng makalabas. Makipaglaro sa ibang aso. Sana sa next life at magkita ulit tayo kilala mo pa ako. Lumapit ka ulit ha at tanggalin sintas mg sapatos ko. Maraming salamat sa pagpapasaya kahit sa sandaling panahon,Smokie. Hanggang sa muli nating pagkikita. Mahal na mahal ka namin. Baunin mo lahat mg alaala at pagmamahal namin sayo ha? Di ka namin makakalimutan. Paalam. 💔

