Tumblr Mouse Cursors

My mom and dad completed the Simbang Gabi. I suddenly asked her, “What’s your wish,Ma?” Then,she replied. “Your happiness. I want you to be finally happy”.

*tears run down from my eyes*

I don’t know what did I do,but I’m really grateful I have ‘em in my life. I thank God for them.

One of the hardest part maybe of being a nurse ay yung malaking chance na ma attached ka sa patient/s mo. I know,di pwede yun pero ang hirap iwasan. One of my pts passed away today. Nung bago pa ako sa unit,sya yung unang pumayag na maging patient ko kahit na bago pa lang ako dun. Okay lang sa kanya kahit na medyo naninibago pa ako. Wala lang sa kanya. Balewala. Naging kakwentuhan ko sya everytime na may schedule sya sa amin. Kaya lang,di naman talaga kaila na mahirap ang buhay ngayon lalo na kapag may sakit. Di maiiwasan na kulangin talaga sa budget. One time,pinakiusap sya na sumabay na lang sa akin. Sayang din kasi yung pamasahe. Una,nahihiya pa sya pero napilit ko rin nung di na sila nakatingin pa. Tahimik lang sya habang nasa sasakyan kami. Pero ako na ang nag oopen up ng topic para lang di sya mailang sa akin. Ang totoo nyan,di naman talaga ako dumadaan sa lugar nya sana. May shortcut kasi kaya dun ako dumadaan pero para sa kanya,dun na ako dumaan. Wala namang kaso sa akin yun tutal pauwi naman na ako. Tapos kanina,one of my workmates told us na he passed away na. I was shocked and felt sad at the same time. Di makapaniwala na wala na sya. I remember one time sinabi nya na gusto nya na rin daw matapos yun para di ka sya maghirap pa at di na sila mahirapan pa dahil sa kanya. Naalala ko,kapag nagbabaon sya konti lang tapos kung minsan itlog ang ulam. May tubig din sya pero nakalagay sa bote na medyo luma na but still ginagamit pa rin nya. Maybe God listened to his prayers. Ngayon,wala na syang sakit na nararamdaman. Wala ng gastos, dun hindi na sya mahihirapan. May you rest in peace,Kuya Randy! We will miss your kakulitan sa unit. Ngayon,wala na yung isang Ardiente. Farewell,Kuya!

Ang pula at ang hapdi ng face ko. Kainis! Ugh. Kung anu ano kasi pinaggagawa sa sarili e. Tsk

Marahil isa siguro sa pinakamahirap sa buhay ng isang nursd ay yung makita yung pasyente mo na nahihirapan. Earlier today,isa sa mga pasyente namin ang nag toxic. ((+) severe DOB, De-sat,(+)chills,Hypertensive,(+)Tachycardia,etc) Hindi naman lahat ng pasyente talaga,may kaya sa buhay. Oo,yan ang realidad ng buhay. Ni pambili ng antibiotic o simpleng paracetamol man yan,wala. Gustuhin man magsalin ng dugo,hindi pwede dahil nga kulang sa pinansyal. At isa sya sa ganun. Minsan,o madalas pa nga di sya kumakain during his session sa amin. Pero ngayon ko lang sya nakitang nag toxic ng ganun. And while we’re waiting sa ambulance,ako ang katabi nya to monitor his v/s. Wala akong ibang masabi kundi,“Kuya,tatagan mo loob mo ha? Kaya mo yan. Sabayan mo ako sa paghinga,okay? Inhale,exhale. Sabayan natin ng prayers.” Pero tanging tango lang ako tinugon nya sa akin. At nung ililipat na sya sa wheelchair,hinanap nya pa yung bag nya at pinasok doon yung tubig na baon nya. Alam ko,ayaw nya magpa admit. Kasi iniisip nya yung gastos. Naalala ko,nasabi nya sa akin noon na gusto nya ng matapos ang buhay nya para di na sya mahirapan pa,sila ng pamilya nya. At kahit pabiro lang yun,nagbalik sa isipan ko yun kanina. Kung di lang marami ang pasyente namin kanina at kung di lang naka leave ang ibang ka trabaho ko,ako na mismo ang maghahatid sa kanya. Balewala ang gas na magagastos ko o ang pagod kung para sa pasyente ko,gagawin ko yun. Alam ko,di ako dapat apektado ng ganito sa mga pasyente ko o mga pangyayari sa kanila pero ang hirap pala. Kapag nasa ganitong trabaho ka,ang hirap palang di ma attached sa kanila. I treat them not only as my patients but as a part of my family. Hay,tbh kanina pa ako umiiyak. Wala naman ako mapagsabihan. My boyfriend is already asleep. At alam ko na pagod din yun sa trabaho nya. Ayoko naman sya guluhin pa kasi stress din sya sa work nya. Sana masaya naman na. *sigh*

Nung una,nagdadalawang isip talaga akong tawagan sya,kasi alam kong pagod sya from work tapos may pasok na naman sya mamaya. Kaya lang,dahil di ako paawat,tinawagan ko rin at sinagot nya naman. Ha ha! I called because I miss him so much at gusto kong malaman nya early in the morning na mahal ko sya. *insert heart emoji here* Ha ha! I miss him terribly. It’s been a month since we last saw each other yata and it feels like decades. Pero naiintimdihan ko naman. Tawag ng trabaho yan e. May mga sinumpaan na dapat tuparin. Pero miss ko na talaga sya. *sigh* Pero buti na lang rin marami ng ways of communicating kaya mas dumadali kahit papaano. The only disadvantage is that,di mo sya mahawakan o mayakap man lang. Hay,pero kaya yan! Tsk. Haha! Day off ko dapat talaga ngayon e pero 5am pa lang gising na ako! Gahhd,bed! Ngayon mo ako di hatakin pabalik sayo,kaasar! Ugh,haha. Anyways,good morning pa rin kahit na makulimlim sa labas. Rise and shine! ❤️

Wala na si Smokie. 💔 Alam ko,iisipin ng iba na mababaw ako. Pero ang sakit. Sobrang sakit mawalan ng alaga. Hindi lang pet ang turing ko sa mga alaga ko kundi kapamilya. Pakiramdam ko parte sila ng pamilyang meron ako. Alam ko,di sila tulad natin pero may mga buhay din ang mga yan. At ngayon nga,wala na sya. Namatay sya bago ako dumating. Di ko na sya naabutan pa. Kagabi na pala huling pagkikita namin. Naglambing pa sya sa akin kahit na nanghihina na sya. Sana nag spent pa ako ng maraming time sa kanya. Sana nilaro ko pa sya. Sana niyakap ko pa sya ng mas mahigpit. Ngayon,di na kami magkikita pa. Wala ng mangungulit sa akin pagdating ko. Wala ng makiki share pa ng pagkain ko. Wala ng magtatanggap ng sintas ng sapatos ko. Wala ng iiyak tuwing umaga kasi hihingi ng gatas. Wala ng maglalambing sa iba pang aso tuwing may sakit. Wala ng tatahol ng tatahol sa TV kasi may mga tao. Wala ng lalapit at tatabi kay Daddy pag nakaupo sya sa labas. Wala ng iiyak sa may gate dahil nakalabas ibang aso. Wala na. Wala na sya. Di ko na sya makikita pa. Ang sakit sakit. Ang sakit mawalan. Sana sa next life may magpainom din sayo ng milk tuwing umaga. Sana dun pwede ka ng makalabas. Makipaglaro sa ibang aso. Sana sa next life at magkita ulit tayo kilala mo pa ako. Lumapit ka ulit ha at tanggalin sintas mg sapatos ko. Maraming salamat sa pagpapasaya kahit sa sandaling panahon,Smokie. Hanggang sa muli nating pagkikita. Mahal na mahal ka namin. Baunin mo lahat mg alaala at pagmamahal namin sayo ha? Di ka namin makakalimutan. Paalam. 💔

Nakakainis na nakaka ewan kapag may katrabaho ka na hinihintay na magkamali ka yata. Kung maka eksena daig pa mga katrabaho ko sa previous work ko na mas matagal at mas magaling pa yata sa kanya. Always pabida. Kung makaparinig pa akala mo sobrang galing nya na e kung tutuusin may mas mga kilala pa alo na mas magaling talaga sa kanya. Daig pa Head Nurse ko e. Feeling superior! Kung makapag comment akala mo naman! Ugh. Sorry nag rant na naman ako. Nakakainis na kasi e. Biglang sasabihin sa kasama ko na “Sino nagprepare nyan? Mali yan.” Although di ako ang talagang nag prepare nun pero tumulong ako kasi di ko alam at bago lang naman ako dun. Tapos kanina, tinanong nung Head Nurse ko kung anong araw gusto kong mag off biglang sasabat na “Wala syang day off!” Ayy sh*t talaga! Sorry for the bad word pero mapapa sh*t ka talaga sa ugali nya! Ka imbierna! Di ko talaga alam kung anong nagawa kong mali sa kanya e babago lang naman kami nagkita. Bakit ganun sya sa akin? Feeling ko sa akin lang naman sya ganun.

No offense pero tbh,mas mahirap pakisamahan ang mga babae sa trabaho. Base on my experiences,totoo ‘to! Ugh. Di ko alam kung gusto ba nila akong katrabaho o ano e. Alam mo yun. Ang cold ng treatment sa akin pag babae. I mean,di naman lahat ha pero lagi kasing ganun. Hay. Bakit kaya? Suplada ba ako? Ayaw ba nila akong kasama? Nakakairita ba ako. Nalulungkot ako pag ganyan sa totoo lang. Wala naman akong ginagawa sa kanila. Sana okay na sa mga susunod na araw. Namimiss ko tuloy mga katrabaho ko before pati mga patients ko dati. Nakakamiss yung feeling na welcome ka sa kanila. :(

Lately,umaatake na naman Anxiety Disorder ko. Wala naman ako mapag sabihan kasi ayoko maging problem sa parents ko. Busy naman sya sa work kaya di ko masabi sa kanya. Busy din friends ko sa buhay buhay nila. Kaya sino solo ko na lang. Sa blog ko na lang ako nagsasabi ng lahat. Lahat ng sama ng loob ko,lahat ng sakit na nararamdaman ko. Parang gusto ko na ngang bibigay na ewan. Nahihirapan na ako.

Kung pwede lang mag re start ng buhay e. Pakiramdam ko kasi may mali sa buhay ko na di ko alam. Yung mga decision na nagawa ko at yung iba pa. Ewan ko bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Di ko alam kung bakit.